The Oldest Sky Walker So Far

The Oldest Sky Walker So Far

IMG_0751

Kung kayo ay magagawi sa Cebu to visit this place, alam natin na parang kulang ang adventure ngayon dun kapag di ka man lang nakasubok kahit alin sa Crown Regency Hotel and Towers ng Sky Walk, Edge Coaster at ang kinababaliwang Zip line nila.

Noong unang araw na balakin naming subukan ang adventure na ito ay ayaw ng inang ko na sumama at baka di na daw niya kayanin yung lula kaya di naming siya pinilit…but knowing her alam kong kakayanin niya sa kabila ng kanyang edad na 76 y/o, malakas ang loob niya at alam kong magiging highlight un ng kanyang Cebu adventure kaya ng isinama namin siya, di namin ipinaalam na dun kami pupunta at di ko na siya binigyan ng pagkakataong tumutol pa na subukan iyon.

Simpleng package lang ang kinuha namin, ang Extreme Sky walk adventure. Ang ride ay P300/each at ang entrance ay P250 kasama na ang isang token mula sa kanila. Para sa gustong subukan ang Edge Coaster ride ito ay P300 din at ang Zip line nila ay P600 naman (labas ang entrance fee). Ang dilemma lang ay di nila pinapayagan ang camera sa loob dahil exclusive sa kanilang photographer lang un at ang bayad ng bawat isang letratong mapili ninyo ay P230 (whew medyo mahal hehe).Hindi mo naman mapayagang di ka kukuha ng kahit isa lang dahil anong saysay ng adventure na ito na wala ka man lang mabitbit na “ibidinsiya”, so ung apat na letratong napili namin ay halos P1000 na din ang halaga.

Bawal ang nakasandals o tsinelas lang pero wag mag-alala, me libreng pagamit ng sapatos pero kailangan lang bumili ng medyas for hygiene purposes.

inang at skywalker

Tinanong ko kung ilang taon ang pinakamatandang sumubok ng Sky walk adventure at ang sabi ng aming guide ay 75 y/o daw at 2 linggo pa lang ang nakakaraan (di nga lang confirm kung babae o lalaki dahil ibang guide daw ang nag-assist). Natuwa akong labis dahil nalampasan ng inang ko ung record at sa ngayon siya ang pinakamatandang sumubok sa Skywalk adventure.

Game na game din sa posing si mader at kitang-kita ko yung yabang niya at tuwa sa karanasang iyon lalo at may kasamang certificate ito. Tatagal ng hanggang sa 15 minuto ang nasabing adventure hindi dahil sa malayo ang lalakaran kundi dahil sa mga paghinto upang kumuha ng larawan ang photographer. Narito ang ilang kuha mula dito.

IMG_0743

IMG_0746

IMG_0750

3 @skywalk

Hanggang sa muling adventure!